Sunday, November 30, 2014

Repleksyon .. :)

Nobyembre 24-28



“Kaya’y ang mga una’y mangahuhuli at ang mga huli ay mangauuna”

–       Mateo 20:16
  Sa linggo na ito ay pinag aralan namin ang tungkol sa parabula, ito ay mga salita hango sa bibliya na may nakatagong kahulugan o mayroon pang mas malalim na ibig sabihin. Sa pag daan ng mga araw ngayon linggo ay mas nauunawaan namin ang aming pinag aaral, ang parabula ay nag bibigay aral para sa lahat. Binigyan kami ni gng. Mixto ng takdang aralin kung saan kailangan namin ibigay ang kahulugang literal, simboliko at espiritwal ng mga salitang kanyang ibibigay, sa huling araw ng linggong ito ay wala sa klase ang mga GSP ( girlscout of the philippines) dahil sa ginanap na investiture sa robinsons Antipolo.

No comments:

Post a Comment