Repleksyon,
( Martes) wala si Gng. Mixto kaya si Bb. Basbas ang magtuturo saamin, pero dahil sa hindi kayang mag salita ni Bb.basbas ng matagal dahil masama ang pakiramdam niya kaya ang aking kamag-aral na si trixie usa ang naging guro namin ng dalawang araw, nandiyan pa rin si Bb.basbas para gabayan sa pagtuturo si Bb.usa. Ang bago namin aralin ngayon ay tungkol sa uri ng paghahambing at 2 uri ng kaantasang pahambing.
(Miyerkules) nag balik tanaw kami sa aming pinagaralan tungkol sa uri ng pag hahambing, binigyan kami ni bb. Usa ng isang pangkatang gawain kung saan kailangan magsulat ng bawat myembro sa grupo ng isang pangungusap na ginagamitan ng paghahambing.
( Huwebes-biyernes) ito ang araw kung saan kami ay naghahanda para sa aming NCAE, na gaganapin sa ika 19 ng nobyembre.
No comments:
Post a Comment