Saturday, November 8, 2014

Ang aking katabi.

 "Kabutihang taglay"

     Habang ako ay nag iisip kung paano ko ilalarawan ang aking katabi, naitanong ko sa aking sarili, paano nga ba? , ako ay nahihirapan. Naisipan kong mag balik tanaw simula ng siya ay aking maging katabi. Dalawang taon ko na siyang katabi, kadaldalan, kakwentuhan, katawanan, kasigawan, at kaaway,. Masasabi ko na sapat ang mga panahon na iyon para mapatunayan ko na may mabuti siyang kalooban, may paninindigan sa mga bagay na alam niyang tama, may pagsisikap, at may pagtitiyaga sa pag aaral. Kahit na gaano ka gulo ang kanyang sulat, alam ko na sinusubukan niya itong ayusin. Naalala ang mga panahon na tinuruan ko siyang sumulat ng mas maayos, handa siya matuto, ngunit sadyang mahirap ito para sakanya. Si BRYAN G. BUENO,  ang aking katabi na kahit hindi mahilig mag pakita ng pagmamalasakit sa kapwa, ay ako mismo , bilang kanyang katabi ay masasabi kong nagtataglay siya ng mabuting kalooban. :)

No comments:

Post a Comment