Sunday, November 30, 2014

Repleksyon .. :)

Nobyembre 24-28



“Kaya’y ang mga una’y mangahuhuli at ang mga huli ay mangauuna”

–       Mateo 20:16
  Sa linggo na ito ay pinag aralan namin ang tungkol sa parabula, ito ay mga salita hango sa bibliya na may nakatagong kahulugan o mayroon pang mas malalim na ibig sabihin. Sa pag daan ng mga araw ngayon linggo ay mas nauunawaan namin ang aming pinag aaral, ang parabula ay nag bibigay aral para sa lahat. Binigyan kami ni gng. Mixto ng takdang aralin kung saan kailangan namin ibigay ang kahulugang literal, simboliko at espiritwal ng mga salitang kanyang ibibigay, sa huling araw ng linggong ito ay wala sa klase ang mga GSP ( girlscout of the philippines) dahil sa ginanap na investiture sa robinsons Antipolo.

Sunday, November 23, 2014

Repleksyon.. :)

Nobyembre 18-21 , 2014
    Ngayong linggo ay pinag-aralan muli namin ang mga uri ng paghahambing, ilan sa aking kaklase ay nagbigay ng mga halimbawa ng pangungusap  na ginagamitan ng mga salitang pang hambing.binalikan din namin ang epikong rama at sita, at inalala ang mga pangyayari sa kwento, na kung saan nagpapakita ng totoong pagmamahalan nina rama at sita kahit pa may pag subok na dumating sakanila. May mga katanungan din kaming sinagutan patungkol sa ibat ibang pamamaraan ng pagmamahal ng tao, at ilang sa aking kaklase ay nag nagbigay ng opinyon nila para dito, nag sagot din kami ng mga katanungan tungkol sa pagbabasa ng mga epiko. 

Friday, November 14, 2014

Repleksyon.. :)

Nobyembre 11-14 2014,

Repleksyon, 
   
    ( Martes) wala si Gng. Mixto kaya si Bb. Basbas ang magtuturo saamin, pero dahil sa hindi kayang mag salita ni Bb.basbas ng matagal dahil masama ang pakiramdam niya kaya ang aking kamag-aral na si trixie usa ang naging guro namin ng dalawang araw, nandiyan pa rin si Bb.basbas para gabayan sa pagtuturo si Bb.usa. Ang bago namin aralin ngayon ay tungkol sa uri ng paghahambing at 2 uri ng kaantasang pahambing. 
    (Miyerkules) nag balik tanaw kami sa aming pinagaralan tungkol sa uri ng pag hahambing, binigyan kami ni bb. Usa ng isang pangkatang gawain kung saan kailangan magsulat ng bawat myembro sa grupo ng isang pangungusap na ginagamitan ng paghahambing.
(  Huwebes-biyernes) ito ang araw kung saan kami ay naghahanda para sa aming NCAE, na gaganapin sa ika 19 ng nobyembre.
    

Sunday, November 9, 2014

Repleksyon. :)

Nobyembre 4-7 
   Sa unang linggo ng ikatlong markahan ay nag karoon kami ng unang pag susulit ( pre-test) upang masukat ang aming nalalaman tungkol sa timog kanlurang asya. Hindi pamilyar para sa akin ang mga bansa sa timog kanluran ng asya partikular na sa bansang india, kung kaya't mababa ang resulta ng aking pagsusulit. Alam ko na marami akong matututuhan at malalaman na impormasyon ngayong ikatatlong markahan tungkol dito. 
      Tinalakay din sa amin ni Gng. Mixto kung paano gumawa ng epektibong movie trailer, ipinaliwag saamin ni Gng. Mixto ang ibat ibang klase ng anggulo ng pag kuha (shots) o pag video.
     Pag dating ika- 6,7 ng nobyembre, ako ay lumiban sa klase dahil sa aking pag hahanda para sa sinalihan ko na paligsahan ito ay ang. ENTM ( enlish next top model).sabi ng aking mga kaklase ay pinag aralan nila ang tungkol sa epikong http://filipinobaitang9.blogspot.com/2014/11/epiko-rama-at-sita-isang-kabanata.html.

Saturday, November 8, 2014

Ang aking katabi.

 "Kabutihang taglay"

     Habang ako ay nag iisip kung paano ko ilalarawan ang aking katabi, naitanong ko sa aking sarili, paano nga ba? , ako ay nahihirapan. Naisipan kong mag balik tanaw simula ng siya ay aking maging katabi. Dalawang taon ko na siyang katabi, kadaldalan, kakwentuhan, katawanan, kasigawan, at kaaway,. Masasabi ko na sapat ang mga panahon na iyon para mapatunayan ko na may mabuti siyang kalooban, may paninindigan sa mga bagay na alam niyang tama, may pagsisikap, at may pagtitiyaga sa pag aaral. Kahit na gaano ka gulo ang kanyang sulat, alam ko na sinusubukan niya itong ayusin. Naalala ang mga panahon na tinuruan ko siyang sumulat ng mas maayos, handa siya matuto, ngunit sadyang mahirap ito para sakanya. Si BRYAN G. BUENO,  ang aking katabi na kahit hindi mahilig mag pakita ng pagmamalasakit sa kapwa, ay ako mismo , bilang kanyang katabi ay masasabi kong nagtataglay siya ng mabuting kalooban. :)