Wednesday, October 22, 2014

Tanka at haiku.. :)

Magkaibang uri ng panulaan ang Tanka at Haiku, bagama't nagsimula ang mga ito sa bansang Hapon. Mayroon itong kaniya-kaniyang katangian ng  magkaiba.
Ang Tanka, isang uri ng tula na maaaring awitin ay  may kabuuang tatlumpu't isang pantig na may limang taludtod. Ang hati ng pantig sa mga taludtod ay 7-7-7-5-5, 5-7-7-7-5 o maaaring magpalit-palit nang nananatili ang kabuuang bilang ng pantig na tatlumpu't isa.
Ang Haiku naman ay higit na maikli sa Tanka. Binubuo ito ng tatlong taludtod na may bilang ng pantig na 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit nang di nababago ang kabuuang bilang ng mga pantig na labimpito.
Tungkol sa kalikasan at pag-ibig ang paksa ng Haiku at pagbabago, pag-iisa at pag-ibig naman ang karaniwang paksa ng Tanka.
Tayo naman sa Pilipinas ay may Tanaga, isang uri ng sinaunang tula na nagpapahayag ng kaisipan at binubuo ng apat na taludtod na may tigpipitong pantig sa bawat taludtod, may tugma at puno ng talinghaga. Namalasak ito  noong panahon ng pananakop ng mga Hapones.

No comments:

Post a Comment