Thursday, October 2, 2014

Happy teacher's day,!... :)

   Guro na sa unang tingin ay mahinhin,pero kapag hindi kayang kontrolin ng mga estudyante ang kanilang ingay at hindi marunong sumunod sa alituntunin ng paaralan .. AY! , lagot ka! Nahanap mo ang katapat mo, ang adviser ng GSP ( girl scout of the philippines) at mapeh teacher siya ay si Ms.ShennAnn Arriola.Walang labis,walang kulang dapat ang pag babaybay mo sa pangalan niya,dahil kapag may mali ni-isa hindi na sya ang tinutukoy mo.
 
 Tinatawag namin siyang "MotherEarth" at "Mona lisa" dahil sa taglay niyang kagandahan at mala anghel na ngiti. Hindi pwede na aantok-antok ka sa oras ng kaniyang klase dahil kapag nakita ka niyang humikab, .Ay! Humanda ka sa talon,kembot at pag shashake ng inyong kamay, hangang sa magising ang inaantok ninyong kaluluwa. RESPONSABLE AT DISIPLINADO isa iyan sa kaniyang mga katangian na dapat mong matutuhan at isabuhay. Isang guro na nag sisilbing nakatatandang kapatid, at magulang sa paaralan, dahil sa tuwing kailangan mo ng payo at tulong nandiyan sya para suportahan at tulungan ka.
   
  Isang guro na handang mag pakita ng pa-gmamahal at pag-mamalasakit sa mga estudyante. Bawat payo na ibinahagi niya sa amin ay mananatili sa aming puso at patuloy na isasabuhay.
  HAPPY TEACHER's DAY MA'AM SHENN ANN ARRIOLA,! :D

No comments:

Post a Comment