Friday, September 19, 2014

Tula para sayo aking kaibigan.. :)

(TULA PARA SA AKING KAIBIGAN)

" Makinig kang mabuti kaibigan"

  Oh, aking kaibigan
   Ngayon ay iyong kaarawan
   Nais kitang batiin,
   Gamit ang tulang ito, nais din kitang pasayahin
  

   Walang araw na lumipas
   Na hindi tayo tumatawa ng wagas
   Sabay hinaharap
   Ang mga pag subok, madali man o mahirap
  

   Ika'y laging nandyan upang ako'y pakinggan
   Sa mga kwento kong walang katapusan
   Minsan ay nagkakatampuhan
   Pero agad naman itong sinusulusyunan

   Makinig kang mabuti aking kaibigan
   Ikaw ay aking hinahangaan
   Taglay mong kaibaitan
   Ay hindi matatapatan

   Aking hinihiling
   Oras ng paghihiwalay ay hindi dumting
   Dahil ako ay nasanay
   Na lagi kang karamay.

No comments:

Post a Comment