Ang mga kabanata sa nobelang Noli Me Tangere ay may tinatagong kahulugan,katulad ng salitang binibitawan ni Pilosopong Tasyon.Marami ang nag sasabing siya ay baliw pero ng hindi nila alam na si pilosopong tasyo ay iasng klase ng tao namay saysay ang mga sinasabi,na hindi basta-basta mauunawan ng mga mababaw na tao ang kanyang mga pahayag habang tmatagal ang panahon n aming pagtalakay sa nobelang ito,mas lumalawak ang pag-iisip ukol sa mga pangyayaring nagaganap dito.
Saturday, March 14, 2015
REPLEKSYON....:)
Ika-apat Linggo sa ika-apat na markahan
Bawat tauhan sa Noli Me Tangere ay mahalaga at bawat isa ay may ginagampanang tungkulin hindi madali gumaya ng isang tauhan galing sa nobelang Noli Me Tangere,pero kung isasa puso mo ang karakter na iyong ginagampanan naniniwala ako na magagampanan mo ito at mabibigyan ng hustisya ang karakter.
Bawat grupo ay may nakatakdang miyembro na siyang gagaya sa mga tauhan sa Noli Me Tangere,bawat isa ay may naghanda at bawat isa ay ginagawa ang lahat para mairepresenta ito ng maayos.
Bawat grupo ay binibigyan ng mga kabanata na kanilang ipapaliwanag na may kinalaman kay crisostomo ibarra marami kaming natuklasan sa buhay at pagkatao ni Crisostomo Ibarra.Simula ng pagbalik niya sa bayan ng san diego
REPLEKSYON...:)
Ikatlong Linggo sa Ika-apat na markahan
Mga tauhan:
Inaamin ko na noong oras malaman kong pag-aaralan namin ang Noli Me Tangere wala akong interes para dito,pakiramdam ko hindi ako masisiyahan sa pagbabasa at pagiintindi ng bawat kabanata sa nobelang ito.Inaamin ko mismo. Sa sarili ko na nag kamali ako,siguro nga luma na ang nobelang ito hango ang mga kaganapan dito noong unang panahon pero ang mga tauhan dito na may iba't-ibang kaugalian,paniniwalaan at ginagampanan ay hindi na luluma hanggang ngayon mayroon pa rin mga tao katulad ng mga tauhan sa Noli Me Tangere.Lalo akong nainganyo unawin ang nobelang ito nang maipakilala na ang mga tauhan,ngayong linggo ito ay may camping kami sa buso-buso highlands,napaka gandang lugar,napaka gandang karanasan ang iniwan sa amin ng camping na ito.
REPLEKSYON...:)
Ikalawang Linggo sa ika-apat na markahan
Kaligirang pang kasaysayan
Nanininiwala ako na mas maganda ang iyong maisusulat kung hango mismo ito sa iyong sarili ng karanasan,katulad nalang ni Jose Rizal nagawa niya ang nobelang Noli Me Tangere dahil sa mga pangyayari sa kanyang naranasan at mga pangyayari na kanyang naranasan at mga taong kanyang nakasalamuha noong unang panahon marami kaming natutuhan tungkol kay Rizal tungkol sa kahusayan niya sa pag-sulat simula noong bata pa lang siya.Bago matapos ang linggo na ito may ipinapanuod sa amin si Gng.Mixto tungkol sa buhay ni Rizal simula bata hanggang matanda,ito ay siguradong maghahatid n marami pang kaalaman para sa amin.
REPLEKSYON .. :)
" Unang linggo sa ikaapat na markahan"
Sa pag pasok ng ikaapat na markahan alam ko na hindi ito magiging madali para sa aming lahat. Noong lunes at miyerkules ay ang araw ng aming pagsusulit, masasabi ko na hindi ito madali kumpara sa pagsusulit namin noong unang una at ikalawang markahan , pero habang tumatagal naman ang araw, ay mas marami kaming natutuhan .
Ngayong linggo din na ito ay ipinaalam saamin ni gng. Mixto ang mga gagawin namin sa ika apat na markahan. Pinapipili din kami ng mga makakasama namin sa aming grupo, o nais nakin maging kagrupo, hindi naman ito nabago, ako ay nasa unang pangkat pa rin
Saturday, January 10, 2015
Repleksyon... :)
Enero 6-9, 2015
Sa linggo na ito ay tinalakay namin ang tungkol sa sanaysay bago matapos ang oras ngayong unang araw ay iniwanan kami ng takdang aralin ni Gng. mixtokung saan kailangan namin manuod ng documentaryo at sagutan ang mga katanungan na kanyang ibinigay. Pag pasok ng ika lawang araw ay binasa at kinuwento nina sheena perez at mark beltran ang tungkol sa kanilang napanuod na documentary. Sa ika tatlong araw ay wala si Gng. Mixto kaya ipinasulat ni Bb. Ang tungkol sa sinopsis na iniwang takdang aralin saamin ni gng. Mixto kahapon. Sa huling araw para sa linggo na ito ay nag sagot kami ng unit test para sa pagtatapos ng ikatatlong markahan.
Saturday, January 3, 2015
Repleksyon... :)
Sa linggo na ito ay nag karoon kami ng pangkatang gawain para sa pagtatapos ng aming aralin tungkol sa parabula at talinghaga , pagkatapos mag ulat ng bawat grupo at binigyan kami ni gng. Mixto ng nararapat na grado.
Sa pag pasok namin sa panibagong aralin ay tinanong ni gng.mixto ang ilan saamin kung ano ang kanilang ginagawa sa tuwing nkakaramdam sila ng galit o lungkot, ibat ibang kasagutan ang ipinahayag ng aking mga kaklase. Matapos nilang mag bigay ng mga kasagutan nila ay may pinarinig saamin na video record si gng. Mixto kung saan naantig ang aming mga puso dahil sa nilalaman ng record, hindi ko mapigilang maalala ang mga oras na mawala ang aking lolo. Dahil sa lungkot na aming nararamdaman pinasulat sa min ni gng. Mixto sa kalahating bahagi ng papel kung ano ang aming gagawin at mararamdaman kung mawala saamin ang isa sa mahal namin sa buhay. Nagkaroon kami ng kopya ng elehiya sa kamatayan ng aking kapatid ,bawat linya dito ay tinalakay at ipinaliwanag ng aming guro at naintindihan namin ang nilalaman nito.
Subscribe to:
Posts (Atom)