Saturday, January 10, 2015

Repleksyon... :)

Enero 6-9,  2015

         Sa linggo na ito ay tinalakay namin ang tungkol sa sanaysay bago matapos ang oras ngayong unang araw ay iniwanan kami ng takdang aralin ni Gng. mixtokung saan kailangan namin manuod ng documentaryo at sagutan ang mga katanungan na kanyang ibinigay. Pag pasok ng ika lawang araw ay binasa at kinuwento nina sheena perez at mark beltran ang tungkol sa kanilang napanuod na documentary. Sa ika tatlong araw ay wala si Gng. Mixto kaya ipinasulat ni Bb.  Ang tungkol sa sinopsis na iniwang takdang aralin saamin ni gng. Mixto kahapon. Sa huling araw para sa linggo na ito ay nag sagot kami ng unit test para sa pagtatapos ng ikatatlong markahan.

Saturday, January 3, 2015

Repleksyon... :)


          Sa linggo na ito ay nag karoon kami ng pangkatang gawain para sa pagtatapos ng aming aralin tungkol sa parabula at talinghaga , pagkatapos mag ulat ng bawat grupo at binigyan kami ni gng. Mixto ng nararapat na grado. 

       Sa pag pasok namin sa panibagong aralin ay tinanong ni gng.mixto ang ilan saamin kung ano ang kanilang ginagawa sa tuwing nkakaramdam sila ng galit o lungkot, ibat ibang kasagutan ang ipinahayag ng aking mga kaklase. Matapos nilang mag bigay ng mga kasagutan nila ay may pinarinig saamin na video record si gng. Mixto kung saan naantig ang aming  mga puso dahil sa nilalaman ng record, hindi ko mapigilang maalala ang mga oras na mawala ang aking lolo. Dahil sa lungkot na aming nararamdaman pinasulat sa min ni gng. Mixto sa kalahating bahagi ng papel kung ano ang aming gagawin at mararamdaman kung mawala saamin ang isa sa mahal namin sa buhay. Nagkaroon kami ng kopya ng elehiya sa kamatayan ng aking kapatid ,bawat linya dito ay tinalakay at ipinaliwanag ng aming guro at naintindihan namin ang nilalaman nito.