Friday, March 20, 2015

Mula sa aking puso. :)

       Ang kanyang pagsasalita ay katulad ng kanyang straight na buhok, purong tagalog walang halong ingles. Straight to the point o sa madaling salita ay prangka, kung kaya't nahasa kami sa pagsasalita ng purong tagalog. Nakakabilib ang kaniyang imahinasyon, ang mga simpleng bagay ay nabibigyan ng malalim na kahulugan. Minsan ako ay napapaisip kung gaano ba talaga  kalalim at kalawak ang imahinasyon ng aming guro. Mayroong mga bagay na hindi ko alam na maari ko palang  maisip, pero dahil sa aming guro, natutuhan ko na huwag lamang tumingin sa pang ibabaw na kahulugan, subukan mong alamin ang nakatagong kahulugan nito, dahil ito ang mag bibigay sayo ng mga bagong kaalaman. Tinuruan kami ng  aming guro na magung isang responsable lalo pagdating sa pag aaral. Isang magandang ihemplo para sa aming lahat ang guro namin sa filipino, maraming salamat po, 
     

      K-12 curriculum , maraming estudyante ang may ayaw dito, at isa na ako dati sa mga estudyante na ayaw ang k-12 , noong una hindi ko naisip ang maaring itulong at magawa para sa akin nito, pero kinain ko din ang aking mga sinabing negatibo patungkol dito, ngayon ay nagpapasalamat ako na nakasama kami sa k-12 curriculum , dahil may mga bagay na mas maaga kong natutuhan, ngayong ako nasa baitang siyam mayroong mga aralin na dapat ay sa 4th year pa namin matatalakay pero ngayon ay napag aralan na namin. Dahil sa k-12 curriculum maraming talento ang natuklasan at nahubog, dahil sa tulong ng mga aktibidad na nakalagay sa aming modyul, hindi ko inaasahan na nagawa namin talaga ang mga nakalipas na gawaing naiatas sa amin. Malaking tulong ito para sa lahat ng estudyante, lalong lao na sa mga estudyante na walang sapat na pinansyal para sa kolehiyo. Pagkatapos namin sa baitang 12 maari na kaming magtrabaho , kung naisin na naming magtrabaho. Mas nangingibabaw talaga ang mga magagandang bagay na maaaring matulong ng k-12 para sa mga estudyanteng katulad na ko. 

      Ang aking mga karanasan ngayong school year na ito ay maihahalintulad ko sa isang photo album. Bawat araw , linggo at buwan ay nag bigay ng napakarami litrato at ang bawat isa ay may kwento sa likod nito. Maraming karansan ang itatago ko sa aking puso, hindi mababago at mabubura ng panahon ang mga ito, maganda man ito o hindi. Hindi na maiaalais na ang mga kaklase at kaibigan ko  ay naging parte na ng buhay ko sa maikling panahon. Ang bawat tao na nakapaligid sa akin ay ang siyang nagbigay ng kahulugan sa mga litrato na naipon ko sa aking puso at isipan. Ngayong taon na ito ay napakaraming bagay ang nangyari sa akin na talaga namang hindi ko makakalimutan, dito ko naranasan na umiyak dahil sa hirap at dami ng mga gawain sa paaralan, mahilo at sumakit ang ulo dahil sa kakulangan sa tulog, magsuot ng mga damit na kakaiba sa harap ng mga estudyante at pagtinginan ka ng mga ito, gamitin ang mga bagay na makikita para ipang design sa portpolio, activities at iba pa. Ngayong taon na ito, dito ko napatunayan na kahit gaano kahirap ang pinagdadaaan ng bawat isa sa amin, malaki ang naitulong nito para mas mapapatatag ang pagkakaibigan naming lahat. "WALANG TITIBAG" itong mga salita na ito ay ang motto ng aming pangkat, walang sino man ang kayang pumunit sa letratong binuo naming lahat. Alam namin na sa pag tapak namin sa baitang 10 maaring marami ang mabawas sa amin pero itong mga karanasan at alaala namin para sa bawat isa at hinding hindi mababawasan o mawawala. Itong puso ko ang nagsilbing album na kailan man ay hindi masisira at maluluma ang mga letrato sa bawat pahina nito. Maraming salamat sa taong nagbigay ng napakaraming karanasan, nagbigay ng mga bagong kaalaman at nagpakilala sa mga taong hindi ko malilimutan kailan man. :)

Saturday, March 14, 2015

REPLEKSYON....:)

Ika-siyam na Linggo sa Ika-apat na Markahan 
  
     Napaka bilis ng araw parang kailan lang inupadate ko ang aking blog tungkol sa kakatapos lang na pagsusulit para sa ika tatlong markahan, ngayon naman ay nag uupadate ako para sa kakatapos lang na pagsusulit .Napagaralan din namin ang tungkol kinasisa at Maria Clara na mayroong magkaibang kapalaran pero para sa akin ay pareho sila pag dating sa pagiging mahina.

REPLEKSYON.....:)

Ika-walo na Linggo sa ika-apat na markahan
   
     Hindi lahat ng taong malakas at matapang nakikipaglaban ay kaya nang ipag-laban ang lahat ng bagay katulad ni Elias hindi niya ipinaglaban ang pag mamahalan nilang dalawa ni Salome,malungkot ang buhay pag-ibig ni Elias dahil sa kinahantungan ng pagmamahalan nila ni Salome,pero para kay Ellias mas pinipili niya ang kanyang bayan,kaya't hinayaan niya si Salome ng magpaka layo-layo. 

REPLEKSYON...:)

"Ika-pito na Linggo sa Ika-apat na Markahan"
   
     Nagsagawa ngayong linggo ng Mock Trial,ang pinag debatihan namin ay kung tama ba na patakasin ni Elias si Ibarra,mayroong dalawang representative ang bawat grupo nakakaaliw ang isinagawa namin Mock Trial,sa huli nanalo ang aming grupo sa debate,pero para sa akin,mas maganda ang paraan ng pagpapaliwanag ng kabilang grupo.Mas kapani-paniwala ang kanilang paliwanag.

REPLEKSYON .. :)

"Ika-anim na linggo sa ika-apat na markahan"
      Marami kaming nalaman tungkol sa buhay nila elias at crisostomo ibarra na nagparamdam ng ibat ibang emosyon para sa mga katulad naming mambabasa sa mga kabanata na aming natalakay ipinakikita dito kung paano bumagsak si Ibarra at talikuran siya mismo ng kanyang mga kababayan na ninanais niya tulungan,kung paano siya idiin pababang ng mga ito pero ipinakita din dito kung paano siya hilahin pataas ni Elias ang kanyang matalik na kaibigan na ilang beses ng niligtas ang kanyang buhay malaking bahagi ng buhay ni Crisostomo si Elias higit kong nakitang nangibabaw sa mga babanata na ito ay ang pagpapahalaga nila sa kanilang pagkakaibigan,kahit na nalaman ni Elias na ang mga pamilya ni Crisostomo ang nag pahirap sa kanyang ninuno kahanga-hanga ang taglay nilang katapangan at pagmalasakit sa isa't-isa.